Saturday, April 19, 2008

Sa pagtatali ng sintas...

Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung ano ang scope & limitations ng magiging konteksto ng blog na ito. Malawak ang buhay kalsada sa Maynila, pero siyempre, ayokong ikulong lamang ang usapan sa mga liblib na sulok nito. Maraming daan, at maraming mga kultura ang maaari nating matutunan sa iba pang bahagi ng 'Pinas.


Pero sa Maynila ako nagsimula; dito ako nakatagpo ng iba't-ibang uri ng tao at bagay na hanggang ngayon, ayaw kong itapon na lang sa basurahan ng mga ala-ala ko. Kasi baka may silbi rin sa iyo. Sa kanila. Sa akin...sa atin.





Ang sa akin lang, kung saan ako mapadaan, isasama ko kayo sa kuwentuhan.

Lakad na tayo. ^_^

1 comment:

Anonymous said...

Hindi ka na ba dumaranas ng mga kalye? Sana hindi ka nawawala, sana nakahinto ka lamang sa isang daan. At muling uusad.

Nasaan na.

O masyado lang ako sabik.