Saturday, April 19, 2008

Sagaran sa Sagada! - part 1



























Ako. Soundtrip sa biyahe. Paalam muna, Manila.

Malupet minsan ang Metro Manila. Kung hindi ka iha-haggard sa trabaho, Babangungutin ka naman sa mga kahayupang project sa kampus. So on that fateful day, nagdecide kami nila Mike (Kapuso Channel), Randy (Makati boy), Mervyn (Bigtime ng Taguig) at Mhylo (Terror ng Teresa) na pumunta sa Sagada upang sagarin ang aming pagpapaka-baliw sa urban life. Medyo namomroblema pa ako kung paano ilalagay lahat dito ang mga captions, so i'll let the pictures do the talking muna.


















The dorks. (Me, Mike, Randy, Mervs)



















The destination.

AND NOW: Our Basic Siraulo Tips sa pagro-roadtrip sa isang bulubunduking lugar:

1. Pack lightly - Noong nagchat kami ni Mervyn (siya yung nakaputi sa unang pic) the night na aalis kami, sinabi niyang may dala siyang maleta bukod sa backpack at tent. Akala ko nagbibiro lang siya, kaya sabi ko, "'yung pinakamalaki na yung dalhin mo, para kasya lahat tayo." Laking gulat ko nung dumating siya sa bus station (with the family entourage to bid him farewell, hehehe). May dala nga siyang maleta. Doon namin na-realize na it's gonna be a bumpy and not a hassle free trip. Anyway, so what? :P












































7. Bago umakyat - Unang-una, ano ba'ng pakialam mo eh gusto ko agad na number 7 na agad? Anyway, bago umakyat, i-enjoy muna ang pagkain sa baba dahil light meals na lang ang dapat na kainin sa pag-akyat. Kung mahilig kayo sa mga Italian dishes, inirerekomenda namin ang Zola sa Session Road, Baguio malapit sa SM. Kasing-presyo lang ng mga value-meal sa fastfoods ang karamihan sa mga basic meal nila. Medyo konti nga lang ang serving, pero kung kayo ay internet adik, libre ang kanilang Wi-Fi at overflowing ang kape kapag doon kayo nag-almusal.


















Kung matakaw at magana kayo kumain, rekomendado namin ang Good Food Restaurant sa may istasyon ng Dangwa (Malapit sa public market at mall), na usually ay biyaheng pa-Sagada. Mukhang hindi sila maka-get over na sila Godzilla at Kingkong ang mga dati nilang regular customers kaya hanggang ngayon ay malaki ang kanilang servings. Rawr!



















Kung roadtrip on a tight budget naman kayo, walang problema! Maraming karinderya na laging bukas sa gustong kumain ang Baguio, hehehe. Sinubukan namin ang isang malapit sa Rising Sun bus station at panalo naman ang kanilang mga ulam sa murang halaga. Mayroon pang exotic dishes gaya ng adobong aso (hindi nga lang kami kumain nun), yung gulay na parang nginuya muna bago lutin (Nakalimutan ko ang pangalan), Dinengdeng, Dinakdakan, at marami pang iba. Mayroon ding mga naglalako ng kakanin at meals na gawang lokal, maganda rin na i-try ninyo.








































































2. Siguruhuhin na malinaw ang usapan ny'o ng contacts nyo sa pupuntahang lugar - SA mismong gabi ng biyahe, tinawagan ko si Anjo, ang isa naming friend sa Baguio. Tinanong namin kung puwede kami mag-crash sa lugar niya habang bumibili ng supplies sa Baguio. Ang intindi niya, mag-iiwan lang kami ng bag and then alis din agad. Ang intindi namin, spend muna kami ng isang gabi sa kanila bago bumiyahe kinabukasan. Nakarating naman kami kina Anjo, at maaari namang matulog, pero haggard na kami dahil sa biyahe, ayaw na namin maghintay na matapos pa ang isa niyang meeting bago niya kami balikan, so nag-transient house na lang kami, kung saan na-meet ni Mervyn ang kanyang soulmate na si Maning. Bwahahahaha.


















3. Pagkain - Bumili ng mga lightweight, kundi man ready to eat na pagkain sa pag-akyat. Mahirap magdala ng bag na puro lata at hilaw na karne ng baboy, baka at manok at isda at gulay, para ka n'ung me palengke sa likod ng bag mo. Mas maigi na pumili ng ready-to-eat energy giving foods and powdered energy drinks. Bukod sa magaaan, malaking tulong pa sa pagmimintina ng stamina. Magdala rin ng mga waste bags para hindi kayo makadagdag sa kagaguhan ng mga ugok na nag-iiwan ng basura sa magagandang bundok at tanawin ng 'Pinas, wokey? :)




















Me tabako pa pala kung gusto mo ng ibang yosi. Limang piso lang, pramis. :)




































4. Gamit - Makatutulong ang portable jungle knife, magaan ngunit makapal na kumot, lubid, flashlight, lighter, sapat na suplay ng tubig at pagkain bilang mga pangunahing gear at gamit. Okey na ipanlakad ang mga simpleng Spartan sandals o spiked/ contoured rubber shoes. Kung sosyalan kayo at gusto n'yong magmukhang mayabang habang umaakyat, maraming branded gears na maaring mabili sa mga mall gaya ng butane burner, utensils, sapatos, tsinelas, sosyal na lubid (kasi me tatak nga tapos pinresyuhan ng mahal), porma shirts and shorts, bling-blings at kung anu-ano pang kaeklayan na usually ay makikita sa mga bagong gullible na mountaineers-to-be. Bwahaha, ang harsh ko, sorry. Anyway, hindi por que mahal ang gamit ay ensured ka na sa safety ng pag-akyat. Pinakapangunahin siyempre ang common sense, dahil hindi nangingilala ng brand name ang mga nanunuklaw na ahas, matitinik na halaman, nakakalasong prutas, at malalaking bato na babagsakan mo kapag nadulas ka sa bangin. Harharhar.






































































































































Wag din kalimutan ang magpa-load! Yes, malakas ang signal! :)


5.
Pag-akyat - Mas maigi na kumuha ng isang kakilalang lokal sa lugar na inyong pupuntahan. Bukod sa maari n'yong tawaran ang regular fee sa mga tourist guide (P600-1200 per location ang alam kong rate noon sa Sagada, na papunta lang ng Sumaguing at Lumi-Ang Cave), malaki ang tsansa na dalhin niya kayo sa mas magandang lugar at trail na bihirang puntahan ng mga turista. In short, Nakatipid na kayo, mas astig pa ang mga dadaanan ninyo. I-selebreyt ang inyong tagumpay sa pangunguna ng inyong guide sa pamamagitan ng pagtagay ng Ginebra laban sa matinding lamig 'pag nasa tuktok na kayo. Maaring isama ang Ginebra sa basic list ng inyong mga dadalhin. Bwehehehe.







































Say Hellow to my little friend! ^_^




















Hanging Coffins, Lumia-Ang Cave




















Foggy trail (hindi panturista, but this is where we went anyway..rakenrol!)




















Paghahanap sa aming friendly-friend guide.





















Ang aming katsokaran na tour guide na si Leklek
(far right, gray shirt)




























Let's go boys!
6. Kondukta - Bago pa man bumiyahe, mas maganda na alamin ang lokalidad, kultura, customs at minimum/maximum weather conditions ng lugar na pupuntahan bago mag-embark sa roadtrip. Siguruhing hindi cannibals ang mga nakatira sa tuktok ng mga liblib na bundok na balak ninyong i-challenge. Bwahahaha. Kapag tahimik ang lugar, manatiling tahinik din, dahil baka pinapana o kinakatay ang mga maiingay doon. Laging alalayan ang taong nasa unahan ng trail mo at hintayin ang nasa likod kapag kayo ay nasa single file na umaakyat na. Huwag suwapang at ubusin agad ang tubig dahil mahirap ma-dehydrate kayong lahat sa gitna ng trekking. Mahirap magbuhat paakyat ng mga kasamang nahimatay dahil sa dehydration. Mas maganda na pantayin ang bigat ng mga bubuhating gamit, depende sa kakayahan ng bawat isa, para pantay ang bilis ng pag-akyat at nakatulong pa sa mga kasamang may dalang bahay at lupa sa mga bag nila.









































































At ang panghuli, at pinaka-importante: Huwag tatanga-tanga. Happy Trip! Yehey! :)


























































YahooooooooooooooooooooOOO!

Sa pagtatali ng sintas...

Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung ano ang scope & limitations ng magiging konteksto ng blog na ito. Malawak ang buhay kalsada sa Maynila, pero siyempre, ayokong ikulong lamang ang usapan sa mga liblib na sulok nito. Maraming daan, at maraming mga kultura ang maaari nating matutunan sa iba pang bahagi ng 'Pinas.


Pero sa Maynila ako nagsimula; dito ako nakatagpo ng iba't-ibang uri ng tao at bagay na hanggang ngayon, ayaw kong itapon na lang sa basurahan ng mga ala-ala ko. Kasi baka may silbi rin sa iyo. Sa kanila. Sa akin...sa atin.





Ang sa akin lang, kung saan ako mapadaan, isasama ko kayo sa kuwentuhan.

Lakad na tayo. ^_^